This POP! Creators entry was submitted by Michael H. Leoncio.
He told POP! that this poem was dedicated to all the heroes and frontliners of the COVID-19 pandemic.
Pagsubok
May mga pangyayari sa ating buhay na hindi maiiwasan, Katulad ng paglubog nang Haring Araw galing kanluran At habang ang takip-silim ay patuloy na nagbabdya Huawag panghinaan ng loob magniningning parin ang mga tala.
Dumilim man ang langit,tinakpan man ng ulap ang buwan Darating pa rin ang umaga liliwanag din ang kalangitan. Katulad ng buhay nang tao na maraming pagsubok Subalit patuloy pa rin sa paglakbay parang ilog na umaagos
Maraming beses man nadapa,nasaktan at pilit na bumabangon Huwag mag-alala lilipas din yan sa tamang panahon Ang ating buhay ay may akibat na ginhawa at hirap Katulad ng liwanag na may aninong sumusulyap
At sa muling pagsibol ng araw sa gawing silangan Ihakbang mo ang iyong paa at patuloy na lumaban Kahit anumang unos nang buhay ay kaya mong harapin Basta manalig ka lang sa diyos at tatagan mo ang iyong damdamin.
POP! Creators/ Michael H. Leoncio
_____
If you’re interested in sharing your artworks, poems, short stories, or articles with us on #POPCreators, you may send them in via email at pop@inquirer.net with the subject ‘POP! Creators contribution’. If our editorial team likes your work, then it may be featured in our POP! Creators section.
